Basilio is ♥

Guess who Basilio is.


hahaha.


Basilio = JC Santos in DUP's Isang Panaginip na Fili.


nahahawa na ko kay Marjo dito sa taong 'to. :))



so there. kanina, nanood kami ni marjo ng play ng DUP. it was cool. gloomy. dark. but fun.

Well, personally, what could I expect with Rizal? Syempre seryoso at malalim.


Pero kanina, ibang Rizal ang nakita ko. though hindi rin siguro, kasi hindi naman kami masyadong close ni Rizal kaya hindi ko alam kung anong klaseng tao ba talaga siya. pero ewan. mukhang normal lang naman yung Pepe Rizal na ipinakita kanina eh.


Since it's about Rizal and his El Filibusterismo, madami akong nakita kaning ibang students from other schools na nanood din. required siguro? may nakita pa nga ko isang batalyon ata eh. naka-bus pa talaga. yung parang pang-fieldtrip. :))

at feel na feel ko ang suot kong UP lanyard kanina, in fairness. :)) oops. :))


so back to Fili. tulad nga ng nasa title, Basilio is love. Why? because Basilio is JC Santos. And JC Santos is Basilio. Therefore, JC Santos is love.


watdahek. hahaha. :))


Pepe Rizal is just crush eh. not yet love. hahaha. :))

Rizal = Franco Laurel nga pala. and ang weird ko, kasi kanina, nung may mga lines siya na audience ang kinakausap, dun sya nakatingin sa direction namin. so ako naman, dakilang feelingera, feeling ko sakin mismo nakatingin. WAHAHA!! as in tinititigan ko talaga habang nagsasalita sya. inaaninag ko kung talagang ang eye contact eh ganun nga. and well, paninindigan ko na, SAKIN SIYA NAKATINGIN. hahahaha!! :))

ganda nga pala ng boses nya, btw. syempre singer eh. sabi na nga ba nung unang scene pa lang, familiar na siya eh. at hindi ako nagkamali.


Tunying = Eric Dela Cruz. I think he was effective naman in his portrayal of Rizal's friend. May mga banat siyang funny. and masaya sila panoorin na nagbabatuhan ni Rizal ng lines. parang totoo lang. natural. effortless. and una kong natuwa nung sa umpisa, nung parang habang may kinukwento si Rizal (about sa Noli ata yun? di ko sure.), biglang sabi niya, "Sandali, dumudugo ilong ko." basta parang something like that. imagine, nosebleed sa panahon ni Rizal!! hahaha.


magaling din ang ibang actors. syempre gawang DUP yan eh. ano pa ba namang aasahan natin?


si Jihad nakita ko. haha, wala lang. dami mong roles, ah. pero peyborit ko yung dun kay Imuthis. COOL!!!


soooobrang natuwa ako dun sa scene na yun. actually, more of kinilabutan eh. hahaha. ewan ko, feeling ko ang ganda ng pagkakagawa. ang cool ng echo effect sa voice ni imuthis. mas naging effective at mas maganda. tsaka yung mismong pagkakakanta. si Arkel ata yung dun samin kanina eh. syempre nakilala ko agad nung pagkababa pa lang nya sa stairs. so nice talaga. :D


sa mismong kwento, kanina ko lang na-realize na marami akong kinaiinisan na parts sa Fili. syempre hindi ko masyadong napansin yun nung 4th year dahil hindi ko naman sineryoso ang pagbabasa nun. hahaha. just for requirement's sake. :))


nakakainis si Isagani. hahaha. dakilang pahamak. edi sana tapos na problema. hmp. haha. nung part na parang nagkasagutan si Rizal at si Tunying tungkol sa gagawing ending, kay Tunying ako kampi!! kasi naman si Rizal eh. masyadong malalim mag-isip. di ko ma-reach. :))

masyado ata syang umaasa na magbabago pa ang tao. ang mga Pilipino. eh hello, after 100++ years, anong nangyari? may nagbago ba?

may ipinagkaiba ba nung hindi niya hinayaang mamatay yung mga Kastila, dun sa sinabi niyang pag pinatay nya sila, ang mga mahihirap na Pilipino lang din ang mag-aabuso at papalit sa kanila?

ewan. siya lang din siguro makakasagot. :|



basta ako, nag-promise ako after kong panoorin yung Silent Soprano last sem na papanoorin ko na lahat ng plays ng DUP. required man o hindi. tulad nung kanina, hindi naman required yun eh. trip ko lang. at, may napatunayan ako...


masarap manood ng play na walang poproblemahing reaction paper pagkatapos.



0 comments: