-- sabi nung singer. haha. (but i say otherwise.)
dahil excited na ko para sa Game 2 ng ADMU-DLSU Finals bukas, fineel ko muna ang kanilang 'rivalry'.
The song "I'd Rather Be Green Than Be Blue" was composed by Juan Miguel Salvador and first performed live in 2000 at the (then) Ultra (now Philippine Sports Multi-Purpose Arena); and re-recorded in 2005. This MTV, based on the said existing music, was created by students from De La Salle-College of Saint Benilde. The animation was done using Adobe (After Effects, Premiere and Photoshop). The live sequences were shot in La Salle Green Hills. -- http://www.youtube.com/watch?v=2ctgUIqyaBk
at in fairness, na-LSS ako dito ah.
kahit di ako taga-La Salle, feel ko yung kanta nila. haha. sarap kantahin eh. :))
actually yung chorus lang yung trip kong sabayan. :)
pero madaming parts yung song na di ko feel masyado. like yung dun sa may "...yan ang sabi sa awitin ng tatlong matanda." chuva eklavu. wala lang. konting sign of respect lang sana. kahit naman nakatatanda nga sila, parang wala lang. na-ano lang ako. wah. tsaka madami naman silang sumikat na kanta eh. gusto ko rin naman mga kanta nila. ;) hahaha. konek?! :))
tsaka yung dun sa may part na "...binaril si Rizal ...Atenista kasi." wala lang uli. naisip ko lang, hindi naman kasi binaril si Rizal dahil Atenista siya eh. haha. edi kung ganun, kaya pala binaril si Ninoy eh dahil naging taga-UP siya? ngeh. la nanamang konek. hahaha. ayoko na... :))
pero favorite part ko sa kanta, yung "Manager, chairman, presidente daw sila, Ngunit LaSallista ang may-ari nang kumpanya!" haha. wala lang. natawa lang ako dito. ewan kung totoo. :))
tas sa video ang favorite ko yung may archer na pinana yung eagle tas pagbagsak, naging fried chicken. ay... fried eagle pala. :))
tapos natawa din ako dun sa Rizal part uli. yung may sumagot na "Atenista kasi". lalake yung boses, pero babae yung nasa video. :))
pero sa kabuuan, ok lang. nakakatuwa naman. di ko lang siguro masyado maisapuso dahil unang una, hindi naman ako La Sallista. haha. Maroon ang puso ko at asul ang dugo ko. hahaha. pero pwede rin siguro.... green ang utak ko? =))
I'd Rather Be Green Than Be Blue
(The La Sallista Song)
Kamusta na mga 'tol, kapwa kong LaSallista.
Year 2005, di ka pa rin nag-iba.
Ang galing mong pumorma, bolero pa rin.
Ngunit bilib ako sa layo nang iyong nagawa.
Di gaya nang iba, satsat lang nang satsat.
Pagdating sa basketball wala namang binatbat.
Dribble nang dribble di naman maka-shoot.
Sa strike lang ni Paeng buhok nila'y kukuloooot.
If I were to live my whole life again,
I'd still want to be a LaSallista pa rin!
Bayaran man ako, I will still say to you,
I'd rather be green than be blue!
Mahirap daw magmahal nang syota nang iba.
Yan ang sabi sa awitin nang tatlong matanda.
Beauty queen, model, napapalingon,
LaSallista lang pala ang tanging hilig nila.
Kawawa naman ang mga iba diyan!
Nagdudunung-dunungan, di naman yumayaman!
Manager, chairman, presidente daw sila,
Ngunit LaSallista ang may-ari nang kumpanya!
If I were to live my whole life again,
I'd still want to be a LaSallista pa rin!
Bayaran man ako, I will still say to you,
I'd rather be green than be blue!
Wag mo 'kong subukan, that's what Erap said.
'Di naman siya uurungan ni Ms. Gorayeb.
Mga loyalista, daldal nang daldal.
Wag kang magtataka kung bakit - binaril si Rizal!
Oo nga no, binaril ano?
Eh bakit nga ba?
Atenista kasi...
Mestiso man o hindi, pandak man o kirat,
Pagdating sa entertainment, LaSallista'y angat.
Megastar, boldstar, star for all seasons,
LaSallista lang pala ang hinahanap nila.
Si Gary, si Randy, at si mega-Mel.
Ilan lang sa dami ng LaSallistang sikat!
Si Michael De Mesa at si Cocoy Laurel,
Pati na si Mike Enriquez, kilala ng lahat!
If I were to live my whole life again,
I'd still want to be a LaSallista pa rin!
Bayaran man ako, I will still say to you,
I'd rather be green than be blue!
If I were to live my whole life again,
I'd still want to be a LaSallista pa rin!
Bayaran man ako, I will still say to you,
I'd rather be green than be blue!
"I'd rather be Green than be BLUE."
by jesse at 9/24/2008 05:02:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment