and they did.
Panalo na naman ang ating UP Pep Squad! yehey!
yun. end na.
--------------------------
haha. grabeh, wala akong masabi tungkol sa mga nangyari. ang dami kasi masyado eh. oh well. kwento na lang muna ko. :))
so nasa Araneta nga ko kanina, live ako nanood. saya kasi ng Cheerleading na PE eh. haha. habang nasa Gateway pa lang, ang dami dami ko nang nakitang mga taga-UP. kung hindi may suot na lanyard, naka-UP na shirt. so naisip ko agad, wow, lakas siguro ng support mamaya sa UP. daming hakot eh.
at hindi nga ako nagkamali. pagdating ko sa loob ng Araneta, PUNO NA AGAD YUNG SIDE NG UP. so san ako napunta? sa likod ng drums ng La Salle. :|
nakakabingi, pramis. kulang na lang yung mismong eardrums ko na ang pukpukin nila at gawin nilang drums.
haai.. sa dami nang mga nangyari kanina, nakakatamad na magkwento. so random stuff na lang na napansin ko before mag-start yung mismong competition:
* nung panahon na lahat na ng schools eh nag-ch-cheer kasama ng pag-i-ingay ng kanilang drums, ang UST, TAHIMIK LANG. hmm... bakit kaya? sabi ng frend ko, "hala ka. tahimik yung UST. kabahan ka na daw." ako naman, "hello?! sino sila para kabahan ako?" haha. yabang eh noh. :))
* kung kahapon, nasa Ateneo side ako, ngayon nasa La Salle ako. LITERALLY. haha. eh kasi naman.... puno na sa UP. tsaka mas alam ko kasi cheers ng La Salle kesa sa Ateneo eh. haha. D-LS-U! Animo La Salle! nyahaha... tever.
* ang cute ni Sharon Yu kanina!! mukha siyang doll.
* yung mga may yellow balloons na mahahaba kanina (ehem, UST at NU), mukhang mga YELLOW ALGAE. lalo na pag sabay-sabay nang nag-ga-galawan yung mga balloons, naku feeling ko nasa ilalim ako ng tubig at nag-s-sway ang mga hinog na lumot. :))
* daya ng drummers ng La Salle, may earplugs sila kaya di sila masyadong affected ng lakas ng tunog ng drums nila! HMP.
* may isang drummer ng DLSU kanina na malapit samin. si kuya na may shirt na nakalagay "from TAFT to TOE". wala lang. sharing. papabol eh. hahahaha. =))
* may isang banner sa UST: "Salinggawi Dance Troupe: The Benchmark of Excellence"
ako: talaga lang ah? kami ata yun eh. :))
* yung mga panyo/scarf/bandana/whatever ng FEU, mukhang pang-El Shaddai. lalo na pag sabay sabay nilang iwinawagayway. hahaha. yellow nga lang. :))
* kung may banner ang UST na benchmark of excellence chuva, ang UP may:
years of UP is much greater than years of others
ANO LABAN PA KAYO?
* and the usual: "UP Kami. Kayo?"
* at bumanat na naman ang UST. may tarp silang nakalagay ay:
(photo taken from http://nocturnalgoddess.multiply.com/photos/album/150)
SINO NGAYON ANG KINAIN NANG BUHAY?
* tas meron pang isa na namang banner: "U can't beat Salinggawi Twice"
ako: HUH. WE JUST DID.

* nakakatuwa kanina. kasi nung nag-chi-cheer yung UST nung ever favorite nilang "Go USTe!!" yung mga taga-UP naman, nakikiganun din. but better. "Go Uwi!! Go Uwi!! Go Uwi!! Go, go, go, Go Uwi!!" ngeh, wala lang. haha. natuwa lang ako. :))
so..... game proper na.
ay, di pala game yung pinanood ko kanina. haha. may hangover pa ko ng ateneo-la salle kahapon. :))
eto.
sori sa mga fellow isko at iska ko pero honestly, mas gusto ko yung routine ng pep last year. goth. emo. punk. whatever. tas parang for me, ang perfect ng performance nila last year. seryoso. and their costumes, maganda. and yung banner sa huli na ginamit nila, yung "UP Pep Squad Rocks", i love it! and favorite part ko dun is yung sabay sabay silang nag-oble pose na slightly mabagal. basta un. alam nyo na kung ano yung tinutukoy ko. :)
though ngayon, yah, it was nice din naman. syempre UP Pep yan eh. you can't expect anything less. siguro masyado lang ako naapektuhan dun sa mga ilang sablay nung routine. kasi sakin, first impressions last (oh no.. tsk tsk.) nung napanood ko kasi sa general rehearsal nung dalawang beses na may bumagsak dun sa pyramid, parang wala lang. kinabahan na ko. super nag-pray talaga ko na sana maayos nila yun before mag-Sunday.
so nung pagpunta ko sa Araneta, dasal pa rin ako nang dasal na sana naayos na nila yun. sana maganda yung performance nila. at syempre, na sana manalo tayo.
the theme was good din. TRIBAL. kakaiba. eh nung Opening pa nga lang eh may tribal tribal chuva na eh. (naalala ko yung babaeng naka-black veil na nakakatakot. :-S) and the cheers, cool!! though naisip ko nung una, naku baka mahina maging cheer nito. kasi sinu-sino lang ba nakakaalam ng bagong cheers? Cheerleading classes. tas ilang PE classes pa. eh yung ibang PE classes naman na yan, you can't expect them naman to go and watch it live d ba. so nakasalalay na lang talaga saming Cheerleading. PRESSURE. haha.
and aminin natin, hindi talaga uber clean ng routine na ginawa nila kanina. kitang-kita sa TV. (epal kasi yung cameraman eh. haha.) and nangyari satin ang AL Salle. with our very own TUGOD. but hey, that's "Tribo Up suGOD" kasi!! hahaha. ginawan talaga ng paraan eh. :))
but overall, the UP Pep Squad really did a good job. What's new, di ba? sanay na tayo. ganyan naman palagi eh. UP ang trendsetters. UP ang laging may bago. and oops, bago ko makalimutan, UP is THE Benchmark of Excellence, ok? haha. :))
Go FF! Congrats sa award! :)
my own ranking:
1) FEU - ok yung performance nila. sayang lang yung first part sa curtain, at last part sa pyramid. kung kelan naman patapos na saka pa nahulog. :(
2) UST - sad to say. i admit malinis yung mga ginawa nila. pero tulad nga ng mga nabasa ko na sa iba, WHAT'S NEW? kahit UP pagawain niyo niyan, kayang-kaya eh. hahaha. yabang ko na naman. :))
3,4) Adamson/Ateneo - kahit sino sa kanila.
* gusto ko yung huge, enormous, gigantic "A" ng Ateneo. sabay naging eagle sa huli. haha. sana pinalipad nila para mas masaya. siguro sila pa naging champion kung ginawa nila yun. hahaha.
* yung sa Adamson, di ko masyadong napanood eh. di ako maka-concentrate nun. ang gulo kasi nung mga drummers sa harap ko eh. grr. pero natuwa ako dun sa naka-circle sila tas umikot-ikot yung paa nila. SO COOL. haha.
5) UE - love the payong. hahaha. kala ko sasayaw sila ng Umbrella eh. ok lang naman. usual cheerleading.
6,7) DLSU/NU - akala ko nung una may pagka-robot effect yung sa DLSU. pero sige, since na-LSS (?!?) naman ako sa cheers nila, ok na. NU, sosyal na ngayon. pinagkagastusan ata sila ni Henry Sy eh. :))
di ko na sinama UP.
haai... Congrats UP Pep Squad!! sa wakas, nagbunga na rin ang inyong mga paghihirap sa practice, at kung anu-ano pa. hanggang sa susunod na Cheerdance Competition!

here's the video:
[credits to http://www.youtube.com/user/jlicauco and of course, to ABS-CBN and Samsung (haha.)]
0 comments:
Post a Comment