UAAP Season 71 Finals.
Game 1
ADMU-DLSU
69-61
unang laban.
unang tagumpay.
at masaya ako!! YEHEY!!
so Ateneo won. i'm sooo happy. pinatunayan nila na karapat-dapat talaga silang maging No. 1!
si Ryan Buenafe, ang rookie with the heart and mind of a veteran. he proved that kanina and masaya ko for him. wala lang. haha. umpisa pa lang HOT na siya eh. i mean aggressive, naka-ilang points na agad sa first half pa lang. di talaga ko magtataka kung isa siya sa mga magtatayo ng bandila ng Ateneo pagdating ng panahon. parang ala-Casio ba.
ay, La Salle nga pala si Casio. haha. :))
si Jai Reyes, buti nag-s-step up na siya. magaling, magaling, magaling. hanep sa 3-points. halos straight na yung bola papunta sa ring, parang mga 10 or 20 degrees lang, pero na-sh-shoot pa rin. inspired siguro, kasi Fan of the Game si Claire (Yapyuco-Reyes). yikee. hahaha.
si Nonoy Baclao, wan op my peyborits! lupet sa shot block nito. 7 lang naman. meaning 7 clean blocks. sino kayang mas magaling sa kanila ni Aldrech Ramos (FEU)? hmm... pero syempre, hindi lang naman sa pagsupalpal ng kalaban magaling si Baclao. rebounds, field goals, etc., maaasahan din naman siya.
si Chris Tiu ko, di masyadong nakalaro dahil daw sa foul trouble. epal naman kasing mga referees yan. kung kelan finals na, saka nilalaglag si TIU ko. eh samantalang pag ordinary games, mahawi lang ng konti mga balahibo niya eh foul na agad. matapik lang nang konti, foul na agad. hmp. ewan ko senyo.
pero keri lang, at least panalo pa rin naman. haha. :)
pero syempre, ang ating Monster MVP, si Rabeh Al Husseini. ay di pa pala siya MVP. sa thursday pa nga pala. :))
as usual, he delivered well. laging pasahan ng bola. kaya di na ko magtataka kung mataas ang Assists ng Ateneo. pano laging pinapasa kay Al Husseini. haha. pero buti na-sh-shoot niya.
31 points, 9 rebounds. kung tama ako, nung laban nila sa FEU na natalo sila, naka-30 siya nun eh. wala lang, sharing. :)
Good luck na lang sa Game 2. humanda ka na. ikaw na laging babantayan nila. :|
nakakalungkot kasi ang dami sa kanila ang na-foul trouble. kaya ayun, maraming bangko. pero ok lang. buti na lang walang na-foul out. kasalanan nyo to referees...............
haha. lagi na lang inaaway referees. kesyo maraming bad calls/noncalls. eh sige nga, kayo nga maging referee, tignan natin kung kaya mo. X(
22, 900 something daw yung Gate Attendance ngayon. wala, second lang yan sa 2008 Cheerdance Competition na 23, 443 ang dami. hinakot ata kasi ng UP eh. haha.
tapos! this win was Ateneo's first time to beat La Salle thrice in a row. achievement, di ba? haha. wala lang. para lang alam mo, at para lang makapagyabang ako. kahit walang karapatan dahil di naman ako ADMU or DLSU. go pa rin. :))
AT!!!!!!!! nung habang nanonood ako ng TV Patrol Linggo na segment about Sports Balita, syempre hinintay ko talaga mula simula. alam kong featured ang Game 1. at grabeh, nung sa dulo na ng news about Game 1, pinakita yung interview kay Chris Tiu. and he's like soooo gwapo, promise.
oh well. Congrats Ateneo for winning Game 1!! Go go go!! sana tuloy tuloy na hanggang Game 2. at hanggang sa makuha nyo ang Championship. YEHEY!! :D
basta....
Go ATENEO!! One Big Fight!!
Game 1: ATENEO.
by jesse at 9/21/2008 07:31:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment