Sept. 6, 2008
UP Fighting Maroons' last game for the Season 71 of the UAAP.
Kahit na nalulungkot ako dahil sa pagtatapos ng kanilang season, masaya pa rin ako. dahil alam kong umasenso sila at nag-improve ngayong season 71.
3 games won? that's more than enough for me para masabing nag-improve sila.
honestly nung start ng season, sabi ko, kahit isang panalo lang, ok na ko. but they gave me three instead. and for that, i want to congratulate the UP Fighting Maroons for the continuous effort they're giving, kahit na just for Maroon Pride lang.
Ever since I entered college and began watching the UAAP, I've been following every game of UP. kahit thursday na may klase ako, hangga't magagawan ko ng paraan, nanonood ako. Saturday, Sunday, laging nasa Studio 23 ang tv ko. and I'm proud to say: Win or lose, it's still UP I choose. (pahiram muna, Ateneo ah. haha.)
ayokong mag-drama at dumaldal dito ng tungkol sa mga experiences ko as an avid follower of the UP Fighting Maroons (or even the whole UAAP itself). i want this post to be about Season 71. and goodbyes.
to Jay Agbayani (10) (and kung sino pa man yung final year na ngayon), thank you. last season pa lang, kahit na nag-0-14 tayo, nakita ko na ang galing mo. in fact, isa ka sa favorite players ko noon. aggressive, hindi natatakot mag-shoot kahit na mukhang malabong pumasok, at lumalaban. kaya Team Captain, congrats sa last season mo na 'to. isa ka sa mga tumulong magtayo muli ng bandera ng Unibersidad ng Pilipinas. and Jay, Good Luck on your future endeavors in life. dalhin mo sa kung san ka man pupunta ang dugo ng isang tunay na Fighting Maroon.
to Woody Co (16), you did a good job this season. isa ka rin sa mga main men ng team. keep it up, my Woody! [gets? Woody KO = MY Woody. haha, inangkin eh. :))]
to Migs de Asis (18), even though hindi ka masyadong binibigyan ng mahaba-habang playing minutes, ok lang. kasi sa mga minuto naman na nasa court ka, pinapatunayan mo sa kanila na may ibubuga ka pa rin. at sana, sa mga susunod pang mga seasons, maging isa ka rin sa main men ng team.
to Mark Lopez (7), bawas-bawasan mo kayabangan mo, tol. hahaha. joke lang. seriously, alam kong may kagalingan ka ring maipapakita. at naipapakita mo na yun sa mga laban mo. kung tutuusin, may pagka-all around ka nga eh. rebound, steals, field goals, etc. keri mo naman eh. basta wag ka lang matakot sumugod. dahil kung walang gagawa, walang mangyayari. at ikaw Lopez, ikaw ang magwawagayway ng ating bandila! (hahaha. oi, asa ka naman. wag ka ngang feelingero dyan. hahaha.)
to Mike Gamboa (4), kahit na halos buong season eh sa iilang games lang kita nakita dahil sa injuries mo, ok lang. babawi ka naman sa next seasons db? at sana hindi ka nagsisisi na lumipat ka sa UP, kahit na mas bright ang future mo sa Ateneo. i wish your stay here would be happier.
to Magi Sison (11), tangkad mo, pre. seryoso. kaya gamitin mo yang height mo para sa ikatatagumpay natin! lalo na ngayon na wala na si Agbayani, ikaw ang inaasahan namin na magpapatuloy ng mga magagandang gawain na nasimulan niyo. kaya mo yan!
and of course, to my Mr. 3-Pointer (next to Tiu), Martin Reyes (14):
dahil sa 3 points mo, ikaw na ngayon ang favorite Maroon ko.
aminin natin, ikaw ang nagdadala sa team. sa majority ng games natin, isa ka sa nagiging sukatan kung magtatagumpay ba tayo o hindi. pag mataas ang score mo, panalo tayo. thanks to your ever-reliable three-point shots. at sa mga susunod pang seasons, alam kong andyan ka pa rin para mag-boost ng confidence ng team at ng buong UP Community. alam kong hindi mo kami bibiguin.
to the other players (sorry, di ko kayang i-mention kayo isa isa at bigyan ng messages dahil halos pare-pareho lang din naman sasabihin ko sa inyo), don't lose hope! pag natatalo na tayo, wag kayong susuko agad! LABAN pa rin! at pag binibigyan kayo ng pagkakataon na makapaglaro sa court, wag niyong sayangin. sulitin niyo ang bawat segundong nandyan kayo, tumatakbo, nag-sh-shoot, nangha-harang, at kung anu-ano pa. kung nagkakamali man kayo, wag nyong hayaang masiraan kayo ng loob. instead, use those mistakes para malaman niyo na sa susunod ang tamang gawin. all you need is experience.
and to Coach Aboy (and his coaching staff): Hats off to you, guys! You really, really, really, did a great job in rebuilding the team. Super thank you, at super utang na loob namin sa inyo ang tatlong panalo natin this season. binigyan niyo ng bagong pag-asa ang sambayanang UP. at umaasa ako na sa mga haharapin pang laban ng UP, andyan pa rin kayo, handang gumabay at ibalik ang tiwala ng Maroons sa kanilang mga sarili. again, Congratulations!
pahabol.
to the UP Community, wag nating ilaglag ang ating team. sa ganitong panahon, mas lalo nilang kailangan ang ating suporta. kung hindi kayo kuntento sa tatlo, wala na kong magagawa. bahala kayo. tutal mataas naman expectations nyo, edi go. ibang team suportahan niyo. pero pag dumating ang panahon na naka-Final Four ang UP, ayokong makikita kayo sa side ng UP ah. [hahaha. nang-away eh noh. :))]
gusto ko lang i-share. kagabi, nung nanood ako ng General Rehearsal ng UP Pep Squad sa gym, nakita ko rin ang practice ng team. masaya sila. mukha namang nag-e-enjoy. pero bakit sa game, parang halos lagi silang matamlay. walang buhay. parang andun lang sila dahil kelangan. kaya kagabi naisip ko, sana mangyari na ang nakita kong saya nila habang nasa practice ay maging ganun din ang saya nila tuwing may game. dahil syempre, kung maganda o masaya ang aura nila, madadala na nila yun hanggang sa mismong laro nila. edi lahat masaya.
alam kong malayo pa ang mararating ng UP Fighting Maroons. hindi man sa susunod na season, o sa susunod pa ng susunod, BABAWI ang UP. promise, darating yun. kahit na graduate na ko, patuloy ko pa rin silang susuportahan. hangga't kaya ko, manonood ako. kahit na ang magiging mga anak ko, sa Ateneo o sa La Salle mapunta, ako patuloy pa ring sa UP mag-ch-cheer. wala akong pakialam kung maka-0-14 man uli. dahil sabi nga nila...
"When you're down, the only way to go is UP."
(UP as in up up and away; and UP as in Unibersidad ng Pilipinas!)
UP takes its final bow.
by jesse at 9/06/2008 07:05:00 PM
Tags: Basketball, Thank You, UAAP, UP Fighting Maroons, UP Pep Squad
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment