UP: Ang Huling Laban

The season is officially over for the UP Fighting Maroons Men's Basketball Team.

And even though we lost, I still believe that they gave us a really good performance. What a nice way to end the season-long fight.


UP vs. UST
63-71


8 points.


nakakalungkot lang, kasi hindi naman naipapakita ng final score ang totoong laban na naganap bago humantong sa score na yan.


Quarter scores (UST-UP): 17-19; 33-35; 56-51; 71-63


as you can see, lamang ang UP sa end ng 2nd quarter. at kahit 2 points lang yan, malaking bagay na yan para sa'kin.

pero sa 3rd quarter, lumamang ng 5 ang UST.

at sa 4th, it's over.


para sa'kin, yung 2 quarters na lumamang ang UP, it's a clear indication na lumaban sila. at tulad ng paulit-ulit kong sinasabi, masaya na ko basta alam kong lumalaban sila. manalo, matalo, basta lumaban.


nakakalungkot nga lang dahil hindi nila kayang i-sustain hanggang sa dulo ng laro. lagi na silang bumabagsak pag 3rd at 4th quarter. siguro napapagod na agad sila. ewan. basta laging ganun.



habang nag-ch-cheer ako, masaya yung feeling ko. kasi kahit hindi karamihan ang nasa gen ad at nag-ch-cheer, kaming mga andun ay todo sigaw pa rin para lang makapag-cheer. at pramis, mami-miss ko ang panonood ng games nang live. di na ko cheerleading next season.


sa mismong game, wala lang. ganun pa rin. tulad ng usual na laro ng UP. Martin Reyes, mag-sh-shoot, papasok, tatalon at sisigaw kami, plus 3 points sa UP. sad nga lang kasi nung 3rd at 4th quarter na, ewan baka nga napagod na, di na pumapasok mga shots nya. pero keri lang.


si Migs de Asis na naman, nung pinasok, nag-3 pts agad. lagi na lang nanggugulat. siguro dapat nga mas bigyan na sya ng mahaba-habang playing time. baka naka-recover naman na siya.


Jay Agbayani, last year niya na 'to. nakakalungkot. :( and as usual uli, sya na naman yung aggressive sa court, rebound, blocks, laging nakaka-foul at lagi ring na-f-foul. at mas nakakalungkot, kasi last season at last game nya na nga 'to, NA-FOUL OUT pa siya. pero ok lang, ibig sabihin nagtatrabaho talaga siya.


Mark Lopez, ayon kay Jill ay may new shoes. bininyagan agad! haha.

Mike Gamboa, yehey nakita ko uli siya maglaro!!!



at sad sad sad.. kasi si Woody Co, sa umpisa pa lang ng game, mga ilang minutes pa lang sa 1st quarter ang nakakalipas ay na-injure agad! huhuhuhu. SAYANG TALAGA. scorer din yun eh. siguro kung di siya na-injure, edi sana mas may laban tayo ngayon. sana kung natalo man tayo, mas maliit yung gap. haai. oh well. see you next season na lang, my Woody!



si Jervy Cruz, last season na din ngayon. haai. bye, monster MVP. sa PBA ka na uli maghasik ng iyong powers. Good luck!


ang konti ng UST kahapon. HALOS WALA NGA EH. mga sampu lang? haha. tas siguro yung mga drummers nila, mga sampu uli? tas yung SDT ata yun, let's say mga sampu din. so ilan lahat? hahaha. daig pa UP eh. at least naman kami mga 50! :))

ay, di lang pala 50. 15,000+++? kasi samin din kampi ateneo eh. hahaha. feeling eh noh. hayaan na, kapitbahay naman eh.


kaya ayun, nung halftime performance tuloy ng UST, ANG TAHIMIK. grabeh. di ako sanay. haha. naawa nga ko sa mga drummers eh. kasi drummer na, cheerer pa. haha. seryoso, halos puro drums lang at yung tugtog ang narinig ko habang nag-p-perform sila.

buti pa kami, kahit pano todo sigaw pa rin kami noh. kaya hindi masyadong halatang konti lang din kami (pero mas marami pa rin kesa sa kanila). haha.


oh well. ayun. TALO NGA ULI. pero keber ko ba? basta masaya ko dahil nanalo Ateneo. hahaha. koneksyon!? :))


ay tas nakakalungkot, kasi nung kumakanta na ng UP Naming Mahal, may in-open silang banner dun sa court. sa likod ng mga players. nakalagay:

"ISAN DAANG
SALAMAT PO."



saaaaad.



sabi nga ni Jill, after 8 years na uli tayo magiging host uli. tas after 100 years na uli bago mag-centennial uli ang UP. nakakalungkot talaga. ka-touch.



di bale, nanalo man ang dilaw ngayon, bukas luluhod ang mga tala! BUKAS, KAKATAYIN NG HUBAD NA LALAKI ANG PUSA!! [oo, pusa lang sila. hahaha. MEEAAAN... :))]



Go UP Pep Squad!


Til next season, Fighting Maroons!


0 comments: