BLUE overpowers Green. sweep. sweet. :)

The UAAP 2008 Champions: ATENEO BLUE EAGLES.


so happy.

pero hindi buo.


kasi... epal yung referees. :|


so before ng mismong game, Awarding muna.


PS Bank Ultimate Maaasahan = Chris Tiu (ADMU)
KFC Court Colonel = Eric Salamat (ADMU)
Smart Defensive Player of the Year = Severino Baclao (ADMU)
Jollibee Champ of the Season = Rabeh Al-Hussaini (ADMU)
Appeton Most Improved Player = Rabeh Al-Hussaini (ADMU)

Tokyo Tokyo All-Rookie Team
Guard = Clark Bautista (UST)
Guard = Luis Alfonso Revilla (DLSU)
Forward = Ryan Buenafe (ADMU)
Forward = Joshua Webb (DLSU)
Center = Nicolas Salva (ADMU)

Head & Shoulder Most Dramatic Crucial Stop of the Season = DLSU Green Archers


UAAP 71 Men’s Basketball Main Awards


Rookie of the Year = Ryan Buenafe (ADMU)

Men’s Ultimate Team [Mythical Five]

Guard = JV Casio (DLSU)
Guard = Chris Tiu (ADMU)
Forward = Rico Maierhofer (DLSU)
Forward = Jervy Cruz (UST)
Center = Rabeh Al-Hussaini (ADMU)

Men’s Most Valuable Player (MVP) = Rabeh Al-Hussaini (ADMU)



[list taken from http://blog.lynxjuan.com/mens-basketball-awards-uaap-71.htm]



o ano, bilangan na lang ng BLUE oh. hahaha!! HAKOT EH. :))

ibig sabihin MAGALING.


AT AT AT!! ANG GWAPO NI CHRIS TIU NUNG AWARDING. GRABEH. NUNG KINUHA NIYA YUNG AWARD NYA, KULANG NA LANG TALAGA HIMATAYIN AKO. DI AKO MAKAHINGA. SERYOSO.

at kelangang all caps talaga habang sinasabi ko yun. :))


well, all i can say about the game is... action-packed.

haha, really? di halata eh. :))


well, an Ateneo-La Salle game will always be intense. fans, wild. players, physical. referees, ewan. laging inaaway ng mga tao. hahaha.

nung game, ilang beses inuulit-ulit nila Boom at TJ (haha, close?!) na tight daw talaga yung officiating ng refs, even simple hand checks at taunting in any way ay bawal. and one even said na "we have to commend the refs for the blah blah.... chuva." wala akong pakialam sa mga referees. basta masarap panoorin ang Ateneo.

pero nasobrahan nga ata pagka-strict nila. kasi first quarter pa lang, 2 fouls na agad si rabeh. so na-bangko muna siya. norman black even threw his id on the floor. sa sobrang inis siguro. haha. at in fairness, puro whistles nga nun. putol-putol tuloy yung laro.


hmm.. well, mahaba yung game eh. ANG DAMI KASING COMMERCIALS. pare-pareho lang naman. memorize ko na nga yung iba eh. yung kanta ng Samsung, yung sa Accenture kay Tiger Woods, KFC Surfers (na nakakatuwa naman), Appeton na may stick na tao na kawawa naman dahil nilipad ng balloons, yung Tokyo Tokyo na Mebagorito, at marami pang iba. buti di nalulugi sponsors. ilang timeouts, breaks, etc yun every game. tas syempre every commercial break din, dapat meron silang ipapakita na commercial nila. tapos sila pa nagbigay ng awards. tsk. todo advertise ah.


tapos pala, nung after ng halftime performance ng BBB at DLSU Pep Squad, meron pa nung Media Awards chuva chuva. may top 5 pictures na pinili tapos may awards. nakakatuwa nga eh. memories of UAAP Season 71.

yung mga nanalo, "Diagonal Defense", "Pray Before You Shoot" (di ko sure kung tama), another one but i forgot the title, "The Last Waltz", and the First Prize, "Synchronized [something]". basta yun. nakakatuwa na nakakalungkot yung The Last Waltz. si Jay Agbayani tsaka Martin Reyes. last year na kasi ni Agbayani ngayon eh.



o anyway, let's just go to the highlights. MY highlights of the game.


talk of the town (not really. haha): Rico Maierhofer's 2nd technical foul which eventually led to his ejection from the game. According to the referee, he saw Maierhofer flash his middle finger to one of the Eagles. kay Al-Hussaini ata.


honestly, kahit sa Ateneo ako kampi, hindi ako masyadong agree dun sa naging tawag ng referee. siguro kasi nung ni-replay sa TV, blurred na masyado dahil sa pag-zoom in kaya hindi na rin malinaw kung ganun nga nangyari. pero ewan.

kasi, nasa kalagitnaan ng laro, nag-d-dribble yung isang eagle, kanya-kanyang bantay yung archers. isipin mo, bakit naman all of a sudden db biglang mag-d-dirty finger ka? hindi naman siguro emotions yun, kasi nga nasa gitna kayo ng laro, dun ka dapat naka-focus. tsaka, kung gagawin niya yun, bakit sa open na open pa db? bakit dun sa maraming makakakita? siguro naman kahit pano maiisip nya yun.

tsaka ayon nga kay Maierhofer, "Natuto na ko sa unang technical ko, bakit ko pa uulitin?" DI BA? btw, yung unang technical niya ata eh dahil sa taunting taunting chuva din. so strict talaga yung mga refs sa ganun. pero ewan ko, di ko lang talaga gets kung bakit nya nga gagawin yun, if ever. at in fairness, ha. ang linaw ng mata ng ref. nakita niya pa yun?! at siya lang ata ang nakakita?! :))

basta medyo may doubt ako dun sa naging call ng ref. :|


pero maaari rin namang ginawa nya talaga yun. mahilig siya sa technical eh. :))

nung isang game din ng la salle, na-technical siya dahil bigla bigla na lang sumabit sa ring. walang anu-ano. as in BIGLA. haha. ewan. trip nya lang ata nun. :))

tapos nung ine-escort-an na sya palabas nung mga security chuva ata yun, may sinisigawan siya dun sa audience. ewan ko kung Ateneo side yun eh. basta kulang na lang ata eh hamunin niya ng suntukan. :))

eh kasi naman noh, kahit ako, kung alam kong hindi ko naman ginawa yung isang bagay (sabi nya), tapos itatapon ako palabas nang ganun ganun, syempre magagalit din ako noh. lalo na kung wala kang magawa. :))

pero naawa ako sa kanya nung pinakita siya sa camera, tas sa TV na lang nanonood. haha. kawawa naman, kanina live siyang nakakanood, tas siya pa nga naglalaro sa court eh, tapos ngayon sa TV na lang ang bagsak? :))


tapos si Casio naman. na-foul out. SAAAAAD. :(

parang si Agbayani. LAST GAME, FOUL OUT.


nalulungkot talaga ko for JV. all throughout the season, siya nagpakahirap para paabutin ang team niya sa Finals. siya, siya, puro na lang siya. oo nga't may tulong din naman ang ibang teammates niya, lalo na si Maierhofer. pero di ba, KULANG PA RIN.

to quote Chris Tiu (from his blog):
"Basically, I felt that JV had to carry the weight of the world upon his shoulders and that he tried to take it upon himself today. Unfortunately, he got very little help from his teammates except for Rico. I say the 'weight of the world' because not only does he have to lift his team past the 16 players of Ateneo but also the rest of the de La Salle community."

sinulat niya yan nung Round 2 game ng ADMU-DLSU.


di ba? wawa naman si JV. gusto niyang manalo. sino bang hindi? pero kahit na mag-shoot siya nang mag-shoot, kung yung teammates niya, wala naman, edi anong silbi ng 18 points niya?

although marami rin nagsasabi na questionable din yung calls sa kanya. pinag-initan siguro? kasi nga siya lang naman ang nagpapataas sa la salle. edi pag natanggal siya, wala na. it's over for la salle. malas naman, kasi yung teammates niya na naiwan, wala ring ginawa. sinayang lang nila yung 3 points na gap sa score.


pero, sa tingin ko, kahit na hindi natanggal si casio at maierhofer, Ateneo pa rin mananalo. kasi nasa players mismo ang powers ng Ateneo eh. WALA SA REFEREES. dahil unang-una, PLAYERS ANG NAGSH-SHOOT, hindi referees. PLAYERS ANG DUMEDEPENSA sa court, hindi referees. PLAYERS ANG NAG-RE-REBOUND, hindi referees. in short, PLAYERS ANG NAGLALARO, HINDI REFEREES.

siguro sasabihin ng ibang kumukulo ang dugo sa refs, "pero referees ang may control sa game. sa mga calls nila nakasalalay ang patutunguhan ng game." pero bakit, buong laro ba eh puro whistles na lang ng referees ang naririnig? hindi naman di ba? mas mahaba pa rin ang time na ipinaglalaro ng players. kaya hindi naman na siguro kasalanan ng referee kung hindi nakaka-shoot yung iba. at hindi rin naman siguro kasalanan ng Ateneo na yung mga shinu-shoot nila eh na-sh-shoot talaga. WALA NAMAN SIGURONG MAGNET YUNG RING NG ATENEO NOH?

(i know, di naman na-a-attract ng magnet ang rubber. haha. at nagpapalit naman ng court ang teams tuwing halftime.)

basta ang gusto ko lang sabihin, hindi kasalanan ng referees o ng Ateneo kung nakaka-score sila, at ang La Salle, hindi. hindi nila kasalanan na halos lahat ng players nila eh nakakatulong, at sa La Salle, iilan lang. siguro oo nga, may questionable calls ang refs, pero kung alam na pala ng La Salle na ganun, edi dapat sila na gumawa ng paraan para hindi hayaang magtagumpay ang Ateneo. dapat mas pinag-igihan pa nila ang paglalaro. kesa naman reklamo nang reklamo, hindi naman nakakadagdag sa score. "Actions speak louder than words, mga pare." (pero wag suntukan, ha? )

and besides, Ateneo also had their own share of bad calls. Sa Game 1, si Chris Tiu halos buong game eh nakaupo lang. naka-2 points nga lang siya eh. pero nag-step up ang teammates niya. Game 2, si Rabeh, halos buong first half eh nakaupo lang din dahil sa fouls. pero nag-step up uli ang ibang teammates niya.

sa La Salle, may ganun ba, aside from Casio?

naalala ko tuloy ang Adamson last season. One man team. si Cabahug lang ang score nang score. in the end, wala rin. :|


oh well.. ayun nga, sa huli ATENEO ang nagwagi. 62-51. at yun ang pagkapanalong pinaghirapan talaga nila. kaya kung sino man dyan aangal na hindi sila karapat-dapat maging Champion, ANO SUNTUKAN NA LANG O?!

Ateneo deserves the crown, because all season they proved that they are indeed the team to beat. 15-1? muntik nang sweep uli. swerte ng FEU sila lang nakatalo. haha. pero hindi man naka-sweep ang Ateneo sa buong season, na-sweep naman nila ang mga dahong pakalat-kalat sa sahig. 4-0 in favor of the Blue Eagles.


What a nice way for Chris Tiu and Yuri Escueta to end their collegiate careers. A Championship! Well, good luck na lang sa inyo! Sana'y maging masaya kayo sa buhay niyo after ng UAAP.


ay pala, ang swerte nung trophy. kasi ang tagal siyang hinalikan ni CHRIS TIU ko!!! waaah... as in ang tagal talaga. haha, wala lang. ang babaw ko noh. :))


Baclao was the Finals MVP. Congrats! Hope to see you next season!

Congrats din kay Rabeh, Monster MVP!! next season uli, ha. magpakitang-gilas ka.

to Ryan Buenafe, go go Rookie Veteran! haha. alam kong mas marami ka pang maitutulong next season. ngayon pa nga lang sobrang laki na ng nagawa mo eh. syempre lalo na sa mga susunod pang taon.

to Jai, Yuri, Eric, and other players i failed to mention, Good Job, guys!


to the whole ATENEO BLUE EAGLES, CONGRATS FOR A JOB WELL DONE!! SALAMAT SA MAGANDANG SEASON NA IBINIGAY NIYO SA AMING MGA SUMUSUPORTA SA INYO.

and of course to Coach Norman, Congrats din!! i know you've been waiting for this for four years already, and finally, it came!! i believe you really deserve to get this Championship because you've made the difference to Ateneo. 'til next season, Coach! time to defend your hard-earned title.


pero yung La Salle, siguro di pa rin matanggap ang mga pangyayari, eh hindi kinuha ang trophy nila. paimportante. talagang pinaghintay pa yung mga tao sa court. boycott pala trip nila eh. sabi ko nga dun sa mga may hawak ng trophy (as if naririnig ako noh. hahaha.), "itapon nyo na lang yan. ayaw naman nila eh. o kaya pagpalitin nyo na lang. yan na lang ibigay nyo sa FEU, tas yung sa FEU, sa UE nyo na lang ibigay. mas maganda ata yung ganun eh." o kaya dapat kay Casio na lang nila binigay. HMP. siya lang dapat may trophy. siya lang naman nagtrabaho eh. (ok. yung coach din. pero ayaw niya naman eh, wag nang ipilit.)



at wait, may message din pala ako sa refs at kung sino mang nagtangkang mag-control ng game:
nakakainis. binahiran niyo ang pagkapanalo ng Ateneo. ngayon tuloy, madaming hindi makatanggap sa pagkapanalo nila kesyo daw luto, may daya, etc. don't you think it's unfair for the players? nagpakahirap at nagpakapagod sila para makuha yun, tapos dudumihan niyo lang. nilagyan niyo ng question mark (daw) ang win nila. UNFAIR. UNFAAAAAAIIIR..

but still, Ateneo won. haha! :))



oh well, papel... i'm so happy, coz my all-blue outfit paid off. hahaha. my shirt, my headband, my comb, my ponytail. and lahat ng nakikita kong color blue, feeling ko that's a sign that Ateneo will win. and they did!! but of course, thanks to the power of prayers.


Thank God, Ateneo won.



0 comments: