havana + haWaianas = HAVAIANAS

'Tara na sa DIVI!!'

yeah. we went to Divisoria yesterday para bumili ng kung anu-ano. and, well, everytime we go to Divisoria, I get really really excited. dunno why.


siguro kasi......

alam kong marami na naman akong mabibili with just a few hundreds in my pocket! haha.


btw, para dun sa mga hindi nakakaalam, allergic ako sa original stuffs. hahaha. i usually go for the cheaper ones. well, siguro kasi i was raised as a "kuripot" girl. haha. or siguro para mas magandang pakinggan, pinalaki ako bilang isang "matipid" na bata. haha.


so yun. original plan kasi, dun lang dapat kami sa 168 Mall. eh kaya lang, para sakin, hindi mo talaga mafi-feel ang pagpunta mo sa Divisoria kung hindi ka talaga lalabas dun sa bangketa. yung as in dun sa mga streets kung saan kahit san ka lumingon eh may nagtitinda. at ang maririnig mo eh puro sigaw ng mga vendors, busina ng jeep, mga takatak boys, mga plastic cover na maingay (though usually pag summer lang sila. pasukan na kasi eh.), at kung anu-ano pa.


so sabi ko kay mommy, labas na lang kami. dahil panigurado, mas marami kaming mabibili dun. at mas exciting. :))


inuna namin hanapin yung mga materials para sa invitation ko sa debut. halos isang street lang yun. tas madami ka nang mapagpipilian. SARAP. :))

next yung pang-sounevir. dito kami nagtagal. hirap mamili eh. :(


pero wait, share ko lang pala. haha. habang naglalakad kami sa loob ng 168 at sa streets, ang dami dami dami dami kong nakitang Chinese. malapit kasi ata yun sa Chinatown? though dapat sanay na kong makakita di ba, dahil sa UP at sa CBA pa lang eh marami na sila. and some of my friends are also Chinese. so wala lang. natuwa lang ako.

tapos, there was one Chinese guy na nakita ko nagbubuhat ng malalaking boxes. tas naisip ko.....


pano kaya kung biglang makita ko si Chris Tiu dito, na nagbubuhat ng mabibigat na mga karton na yan?!?


WAAAH. if ever, tatakbo ako papunta sa kanya at agad agad kong pupunasan ang mga patak ng pawis na tumatagaktak sa kanyang mukha. at sasabihin ko, "Chris! I'll help you na lang."

hahaha. potek yan. :))

"With Samsung, it's not that hard to imagine." =))



o tama na. enough of Chris Tiu. sawang-sawa na ko sa kanya. :|


then yun, while we were traversing (naks. terminologies.) the bangketa, one table caught my eye. well, not the table itself but the item being sold. haha.


may mga nakasabit na tsinelas (yes, tsinelas.) at may iba pang naka-scatter sa table. and when i moved closer, i saw clearly the "HAVAIANAS" written on the slippers. and i was like, "WOAH. MAY HAVAIANAS NA?!"


haha. i know matagal nang may havaianas. ORIGINAL HAVAIANAS. but this was the first time i saw an imitation of the orig havs na as in gayang-gaya talaga yung nakasulat. seryoso.

kasi before, ang alam kong unang lumabas na imitation ng havs was yung "HAVANA" pa yung nakasulat tas may Brazil flag pa ata dun sa strap. haha. and i said that time, "uh-oh. eto na ang simula ng imitation era ng Havaianas."

at hindi ako nagkamali. the next time i saw another imitation was when we were in a supermarket, and we happened to pass by the shoes/slippers section. nakita ko ang isa na namang pamilyar na bagay sa aking mga mata.

tinignan ko, at nakalagay: "haWaianas"

seriously, natawa talaga ko nung nabasa ko yun. kung di lang talaga nakakahiya dahil maraming tao, baka nagsisigaw na ko dun sa kakatawa.

like hello naman db. manggagaya ka na lang, di mo pa itama. bakit, natatakot kang mademanda dahil sa trademark/copyright/patent/whatever infringement?! HAHA. eh ano ba naman, just the act of trying to copy one's property is already piracy. well, para sakin ganun. :)


and i thought, "naku, hanggang dito na lang ba kaya nilang gawin?"

I WANT MORE!! hahahaha. :))


at syempre, hindi nila ko binigo. nakita ko nga ang HAVAIANAS SLIM na ito sa bangketa. :))


funny talaga. nakakatuwa na nakakatawa. EWAN. :))


haaai.. ang sarap talaga sa Divisoria. it's actually one of my favorite places here in Manila. SERYOSO. madami kang makikita. di lang paninda, kundi pati mga tao. and pag pumupunta kami dun, i feel like i'm going back to history. yung mga buildings at kalsada, luma. mga bridges, nakakatakot dahil baka bigla na lang gumuho. et cetera. PERO MASARAP SA FEELING PAG NAKIKITA KO. ewan ko kung bakit. weird noh?

naisip ko nga eh. siguro kung di ako sa UPD napunta, kunwari sa mga schools na malapit dun, baka tambay ako ng 168 Mall o kaya ng Cluster Mall, or Tutuban Mall, or even Divisoria Mall. at mas masaya kung sa bangketa pa. siguro every week, may bago akong 'flip-flops'. HAHAHA. :))


0 comments: